Dalawang Chinese nationals na nagnakaw ng mahigit ₱2 milyon, arestado sa Pasig City

Kalaboso ang dalawang Chinese national makaraang maaresto ng pagnakawan nito ng ₱2,100,000 ang kompanyang kanyang pinapasukan sa BPO Bldg. St. Lucia LRT Station, Marcos Highway, Brgy. Dela Paz, Pasig City.

Kinilala ang suspek na sina Zhengbin Liu, Chinese National, 25 anyos encoder, at Li Chen Wang, Chinese National, 25 anyos, isang encoder at kapwa residente ng No. 45D Jazz Mall, Nicanor Garcia St, Brgy. Bel-air, Makati City.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Pasig Philippine National Police (PNP) ang mga suspek ay inireklamo ni Alili Tan, isang Malaysian national at Secretary ng Fuxing Incorporation kung saan sina Liu at Wang ay bagong empleyado bilang mga encoder ay ninakaw nila ang pondo ng kompanya sa pamamagitan ng online petty cash na nagkakahalaga ng P2,100,000.


Natuklasan din ni Tan na ang kanilang petty cash na nagkakahalaga ng Php 10,000 ay kinuha rin ng mga suspek kung sana agad inireport ng complainant ang insidente sa guardia kaya’t inaresto ang dalawang Chinese national.

Inilipat na sa Police Sub-Station 8 ng Pasig Police Station ang dalawang Chinese national at sinampahan ng kasong qualified theft.

Facebook Comments