Taguig LGU, patuloy na nagbibigay ng mental health support

Kahit ibinaba na sa Alert Level 1 ang Metro Manila at malaking bahagi ng bansa ay patuloy na may maaasahang mental health support mula sa lokal na pamahalaan ng Taguig.

Sa pamamagitan ito ng libreng Mental Health Support Teleconsultations para sa may mga mental health concerns, tulad ng depression.

Ang programang ito ay bilang pagpapahalaga ng Taguig Local Government Unit (LGU) sa mental health katulad ng pagpapahalaga nito sa physical health.


Naka-post sa Facebook page na I Love Taguig ang contact numbers at schedule para sa nais maka-avail ng nabanggit na programa.

Tugon ito ng Taguig LGU sa mga labis na naapektuhan COVID-19 pandemic na nangangailangan ng mental health support.

Facebook Comments