Dalawang Daang Pamilya dito sa Lungsod ng Cauayan, Nabigyan ng Libreng Pabahay!

*Cauayan City, Isabela* – Mahigit dalawang daang pamilya na ang nabigyan ng pabahay dito sa lungsod ng Cauayan mula sa programang inilaan ng gobyerno para sa mga pamilyang mahihirap at walang sariling bahay.

Sa panayam ng RMN News kay Atty. Racma Garcia, ang City Legal Officer ng City Urban Poor Affairs Office, layunin ng programang ito na maiangat ang kabuhayan at matulungan ang mga ito upang magkaraoon ng sariling bahay.

Dagdag pa niya, mayroon na umanong isinasagawang survey kung ilan pa ang mga illegal settlers na maaaring mabigyan ng libreng lupa dito sa lungsod ng Cauayan.


Samantala, nabanggit rin ni Atty. Garcia ang kanilang plano na magpapatayo ng bagong tulay sa Alicaocao kung saan pinagtibay na umano ng Sangguniang Panlungsod ang resolusyon nito kay City Mayor Bernard Dy na makahiram ng pondo sa Land Bank of the Philippines (LBP) para sa naturang proyekto.

Ayon pa kay Atty. Garcia na dahil malaki ang kinakailangang pondo para sa kanilang pagpapatayo ng bagong tulay ay minabuti muna ng pamahalaang panlungsod na isaayos muna ang ilang bahagi ng tulay dito sa lungsod na nasira dahil sa mga naranasang pagbaha sa mga nakalipas na panahon.

Facebook Comments