Dalawang dredger vessels ng Philippine Ports Authority na tumutulong sa pagkuha ng tumatagas na langis, tumagilid sa Iloilo

Iloilo, Philippines – Tumagilid ang dalawang dredger vessels ng Philippine Ports Authority (PPA) habang tumututulong sa pagkuha ng tumatagas na langis ng d5 Japanese dredger sa Iloilo river.

Ayon sa manager ng Philippine Ports Authority na si Jose Cesar Bautista, tumagilid ang d2 German dredger at d3 dredger matapos hindi nitong hindi kayanin ang bigat ng d5 Japanese dredger na inaalalayan ng mga ito.

Iginiit naman nito na walang butas ang mga dredger at ang tumatagas na langis ay galing lamang sa makina ng mga dredger na inabot na rin ng tubig.


Samantala, hinihintay nalang ng ppa ang inarkilahang equipment para makuha ang oil sheen sa Iloilo river.

DZXL558

Facebook Comments