Negosyanteng Ginang, Ginahasa ng Kinatagpo sa Hotel!

Cordon, Isabela – Ginahasa kahapon ang isang ginang matapos makipagtagpo sa hotel sa katransaksyon niya sa negosyong gold mining sa Brgy. Turod, Cordon, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay SPO3 Franklin Alvarez, ang imbestigador ng PNP Cordon na ang biktima ay itinago sa pangalang Emily, apatnapu’t limang taong gulang, may asawa at residente ng Solano, Nueva Vizcaya.

Aniya ang suspek ay kinilala na si Bobby Vergara, limampu’t apat na taong gulang, may asawa, isang magsasaka at residente rin ng nasabing lugar.


Sinabi pa ni PO3 Alvarez na niyaya umano ng suspek ang biktima na makipagkita sa isang hotel upang doon umano ibigay ang perang hiniram ng suspek.

At habang nasa loob na umano ng hotel ang dalawa ay hindi pera ang nais na ibayad ng suspek sa biktima kung saan ay matagumpay na ginahasa ang ginang ngunit nagawa naman na makatawag ng tulong sa police station.

Sa pagresponde ng kapulisan at sa pagsiyasat sa gamit ni Vergara ay nakuha ang isang pakete ng shabu sa pitaka ng suspek.

Nakatakda ngayong araw na isailalim sa medical examination ang biktima samantalang nasa pag-iingat na ng PNP Cordon si Vergara at nakatakda nang isampa ang kaso nito na panggagahasa at paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments