Naitalaga na bilang acting Western Mindanao Command (WESMINCOM) commander si Major General Corleto Vinluan na dating pinuno ng 11th Infantry Division ng Philippine Army na nakabase sa Jolo,Sulu.
Ito ay matapos na italaga si Lt. General Cirilito Sobejana na siyang dating WESMINCOM commander bilang bagong Philippine Army chief.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Major General Edgard Arevalo, si Vinluan ay nanguna sa mga combat operations laban sa Abu Sayyaf Group sa Sulu at mga banyagang terorista.
Habang si Brigadier General William Gonzales naman na dating nanguna sa First Scout Ranger Regiment ay itinalaga na acting sa 11th Infantry Division ng Philippine Army.
Siya ay dating commander ng 3rd Scout Ranger Battalion na nag-operate sa Basilan na nagtapos sa Scout Ranger Training School sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija at US Ranger School sa Fort Benning, Georgia, USA.
Sinabi ni Arevalo kapwa acting pa lamang sa kanilang bagong posisyon ang dalawa, habang hindi pa inaaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng AFP Board of Generals.