Dalawang hinihinalaang miyembro ng akyatbahay gang, nakipagbarilan sa mga pulis – patay sa QC

Manila, Philippines – Patay ang dalawang hinihinalang miyembro ng akyatbahay gang matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay Pinyahan, Quezon City.

Bago napaslang ang dalawang hinihinalang miyembro ng akyatbahay gang ay nilooban muna ang bahay ng biktimang si Antonio Isaac Jr., residente ng no.5 Matimpiin Street, Barangay Pinyahan, Quezon City.

Ayon kay Isaac, pasado alas dos ng madaling araw kanina nang marinig niyang kumakahol ang kangyang aso kayat sinilip niya ang labas ng kanilang gate.


Laking gulat na lamang niya ng bigla siyang tutukan ng baril ng mga suspek at agad na tinalian ng mga ito ang kanyang kamay at bibig gamit ang packaging tape.

Pagkatapos ay nilimas ng dalawang suspek ang kanyang mga sound system, DVD player at computer printer.

Pagtakas ng mga suspek sakay ng isang tricycle na may body no.23 kulay berde ay tiyempo namang pagdaan ng isang mobile ng QCPD kayat agad siyang nakapagsumbong.

Dito na hinabol ng operatiba ng mobile patrol at sa tulong ng District Special Operation Unit ng QCPD ang mga suspek ay nasukol sa Barangay Pinyahan kung saan ay bumunot ng baril ang mga ito at nakipagpalitan pa ng putok sa mga awtoridad na nagresulta naman sa kanilang agarang kamatayan.

Narekober sa mga suspek ang dalawang kalibre 38 baril na ginamit sa pakipagpalitan ng putok sa mga pulis.

DZXL558

Facebook Comments