Dalawang holdaper na nambiktima ng isang call center recruiter, kinuyog na taong-bayan sa Commonwealth

35

Manila, Philippines – Kinuyog ng taong-bayan ang dalawang holdaper matapos na holdapin nito ang isang call center recruiter sa Foot bridge ng VV Soliven Street Brgy. Commonwealth Quezon City.

Arestado ang mga suspek na sina Jersone Lavizares, 19 anyos, at Deejay Eugenio, 21 anyos.

Batay sa imbestigasyon pasado alas dose ng hating gabi, galing sa trabaho at bumaba sa fx pagkatapos ay umakyat sa paanan ng tulay si Geneva Grace Estayo, 24 anyos, Call Center Recruiter sinundan ng mga suspek pagkatapos tinutukan ng patalim at sapilitan kinuha ang kanyang bag na may lamang wallet at cellphone.

Mabilis na tumakas ang mga suspek pero hinabol ng taong-bayan hanggang sa naabutan ang mga ito at nabawi ang kinuhang bag.

Aminado ang mga suspek na kaya nila nagawa ang panghoholdap dahil kaarawan ng isa sa mga suspek na si Deejay Eugenio sa April 28.

Napag-alaman pa na pang-apat beses ng naholdap si Estayo dahil sa kanyang trabaho na isang call center recruiter na madaling araw ng umuuwi sa kanilang bahay.
Nation

Facebook Comments