Lalaki, patay sa pakikipag ba rilan sa otoridad sa Parañaque

Manila, Philippines – Patay ang isang hinihinalangholdaper matapos makipag engkwentro sa mga pulis sa Parañaque City.

 
Ayon kay P’que Chief of Police Jemar Modequillo, inaalampa nila ang pagkakakilanlan ng napatay na suspek na nanlaban sa Brgy. SanAntonio.

 
Sinabi ni Modequillo na umiwas sa inilatag nilang ‘OplanSita’ ang riding-in-tandem criminals kung kaya’t itinimbre ito sa SpecialWeapons And Tactics o swat kung saan una nagpaputok ang mga suspek kaya’t napilitang gumanti ang mga pulis.


 
Dito na napatay ang isa habang nakatakas naman ang driverng motorsiklo patungo sa hindi pa mabatid na direksiyon.

 
Hinihinalang sangkot ang dalawa sa mga iligal na gawainsa loob ng Fourth Estate Subdivision sa naturang barangay na sinasabingkilalang pugad ng mga kriminal.

 
Nakarekober naman ng SOCO o Scene of the Crime Operativesang isang kalibre .38 na umano’y ginamit ng napatay na suspek sapakikipagbarilan sa mga otoridad.

Facebook Comments