Ni-relieve sa pwesto ang dalawang tauhan ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa umano’y pagkakasangkot sa trafficking.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, tinanggal ang dalawang Immigration officers matapos na makatanggap ng intelligence reports na sangkot sila sa trafficking activities sa Clark International Airport (CIA) at sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Nagsasagawa na rin aniya sila ng imbestigasyon para maberipika ang impormasyon at kung may probable cause, at maghahain ng kaukulang kaso sa Department of Justice (DOJ).
Dagdag ni Tansingco, bilang preventive measure, ang dalawa ay ia-assign sa back-end office duties habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Samantala, nagbabala naman si Tansingco sa mga empleyado na masasangkot sa iligal na aktibidad na mahaharap ito sa administrative cases, suspension, o dismissal.