
Dalawang indibidwal ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa bayan ng Binalonan dahil sa kasong illegal gambling.
Inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Binalonan Municipal Police Station, bilang lead unit ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO), at ng Damortis Maritime Law Enforcement Team (MLET) ang isang 20 anyos na estudyante at residente ng Binalonan.
Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng warrant of arrest para sa paglabag sa Section 1(a) ng Presidential Decree No. 1602 o Illegal Gambling, na may itinakdang piyansang ₱5,000.
Samantala, naaresto ng parehong himpilan ng pulisya katuwang ang Alaminos MLET ang isa pang suspek na 22-anyos, single, walang trabaho, at residente rin ng Binalonan.
Nahaharap din siya sa kasong paglabag sa Seksyon 1(a) ng Presidential Decree No. 1602, na may inirekomendang piyansang ₱5,000.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Binalonan MPS ang mga akusado para sa kaukulang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










