Dalawang Indonesian National na nagpapanggap na mga Pilipino, arestado sa Zamboanga City

Zamboanga City, Philippines – Dalawang Indonesian National na nagpapanggap na mga Pilipino at residente ng Barangay Tumaga sa lungsod ng Zamboanga, ang kinuwestiyon dahil sa pamemeke ng kanilang identification card o ID habang nagchecheck-in sa isang pension house sa Governor Camins Avenue noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang dalawang Indonesian national na sina Kunaefi Wahid y Madrukum 40-anyos, may asawa at Untung Riyanto, 40 taong gulang, at ang kasamahan ng mga ito na isang Pilipino na si Nasser Tahil 48-anyos at residente ng Barangay Tumaga.

Sa imbestigasyon ng awtoridad, lumalabas na bandang alas-5:30 ng hapon dumating ang dalawang Indonesian nationals at ang Pilipinong kasama nila sa Micasa Hotel at nagcheck-in.


Pinakita pa umano si Wahid ang kanyang non-professional driver license na nagsasabi na isa siyang Pilipino pero nakaalala ang management ng nasabing Hotel na noong Disyembre ng nakaraang taon ay may parehong pangalan din ang nagcheck-in sa kanila at nagpakilala na isang Indonesian national.

Dahil nagdududa sila, kung kaya’t tumawag ng pulis para imbestigahan ang mga ito, at doon nalaman na ang dalawa ay pawang mga Indonesian National.

Binerepika naman ng otoridad ang driver’s license ng dalawa sa LTO at napag-alaman na walang naka-rehistrong pangalan na iprinisenta ng mga ito.

Hawak ngayon ng awtoridad ang dalawang Indonesian National at kumakalap pa ng mga impormasyon para malaman kung ano ang mga background ng mga ito o kung may grupo itong kontektado .

Facebook Comments