Dalawang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia, isasapinal matapos ang bilateral meeting ni Pangulong Duterte at President Widodo ng Indonesia

Manila, Philippines – Inaasahan na lalagdaan ang dalawang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia kasabay ng state visit ni Indonesian President Joko Widodo dito sa bansa kasabay na rin ng ginaganap na ASEAN Summit.

Unang kasunduan na inaasahang lalagdaan ng dalawang bansa ay ang Memorandum of Understanding on Agricultural Cooperation na magpapalakas ng agricultural development dalawang bansa sa pamamagitan ng agricultural research, mutual consultation at assistance.

Pangalawa namang lalagdaan ay ang Joint Declaration on the Establishment of Sea Connectivity between Davao/General Santos at Bitug.


Ito ay magpapalakas ng pagbuo ng direct sea connectivity sa mga nabanggit na lungsod at magtitiyak din ng seguridad sa mga daraanang ruta.
Kadarating lang ni President Joko Widodo, sa Ninoy International Airport na sinalubong ni Agriculture Secretary Many Pinol.

3:30 inaasahang darating sa Malacanang si Widodo na sasalubungin naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ng kanyang Gabinete.

Facebook Comments