Dalawang katao, nahulihan ng shabu sa Malabon City

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang katao mataposna magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Malabon Police StationDrug Enforcement Team sa Brgy. Panghulo Malabon City.
  Kinilala ang mga suspek na sina  Jovy Punay 32 anyos Tatoo artist residente ngMansanas Street Bilog Brgy. Balangkas Valenzuela City at Emilyn Bobis 47 anyosmananahe at residente ng Blk. 6 Lot 18 Karisma Ville Brgy. Panghulo MalabonCity.
  Ayon kay P/Sr. Inspector Bobby Mario Eguera nagpanggap nabibili ng shabu ang isa niyang  tauhansa  Karisma Ville Brgy. Panghulo sa mgasuspek at nang iaabot na ng pulis ang mark money kina Punay at Bobis ay agaddinampot ang mga suspek at dinala sa himpilan ng pulisya.
  Narekober sa mga suspek ang 12 plastic sachet na maylamang pinaghihinalaang shabu at isang 45 pistol.
  Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive DangerousDrug Act ang isasampang kasong laban kina Punay at Bobis.

Facebook Comments