Maglive-in partner, nahulihan ng shabu sa QC

81
Manila, Philippines – Arestado ang maglive-in partner kabilang na ang walong buwang buntis sa isinagawang  buybust operation ng mga tauhan ng Station 7 ng QCPD   sa Cubao Quezon City.
 
Kinilala ang mga suspek na sina  si Ian De leon 24 at live in partner nito na si Elace Zamora 19 anyos
 
Ayon kay Police Sr.  Insp. Ramon Acquiatan ng Station Drugs Enforcement Unit ng QCPD  Station 7. Kagabi pang  alas syete ay  minanmanan na nila ang mga suspek sa may Harvard Street Brgy. E.Rodriguez pero pasado alas nuebe na nang  nakabili ang posuer buyer na pulis mula sa suspek na si Ian ng tatlong daang pisong halaga ng shabu.
 
Paliwanag ni Acquiatan nang iabot na ng kanyang mga tauhan ang mark money ay agad na hinuli  ang mga suspek.
 
Naniniwala ang opisyal na posible umanong mga tricycle driver sa lugar ang parokyano ng mga suspek maging ang mga nagpupunta sa kalapit na bar.
 
Narecover ang apat na sachet ng hinihinalang shabu, tatlong daang pisong buybust money at pera na 300 pesos.
 
Kakasuhan ng paglabag ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nahuling mga suspek.


Facebook Comments