Manila, Philippines – Arestado sa entrapment operation ang dalawang kawani ng Bureau of Internal Revenue o BIR matapos humingi ng lagay para pababain ang buwis ng isang papaluging kumpaniya sa Intramuros, Maynila.
Ayon kay Atty. Moises Tamayao, hepe ng National Bureau of Investigation Special Task Force, inendorso ng Ombudsman ang kaso ng isang negosyante na hiningan siya ng P400,000 ng mga suspek na sina BIR supervisor na si Nora Alamani at BIR Examiner Abulays Ampa para pababain ang tax ng kaniyang kumpaniya.
Aniya, humingi lang kasi ng re-computation ang may ari ng kumapniya dahil nalulugi na sila.
Dahil dito, nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act.
Kasabay nito, umapela ang nbi sa iba pang nabiktima ng mga suspek na lumutang at maghain ng reklamo laban sa mga ito.