Dalawang kumpanya, kinasuhan ng tax evasion ng BIR

Manila, Philippines – Ipinagharap ng Bureau of Internal Revenue ng tax evasion case sa Department of Justice ang 2 delinquent corporate taxpayers dahil sa kabiguang magbayad ng tamang buwis.

Kabilang sa mga kinasuhan ng paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997 o Tax Code ang Armel Plastic Co., Inc. at mga opisyal nitong sina Denis Lawrence Lipio (President) at Elizah Anne Lipio (Finance Officer).

Umaabot sa halos P46M ang tax liabilities ng Armel Plastic para sa taong 2010.


Kaparehong paglabag din ang kinakaharap ng Marina De Manila Co. (Marina Seafoods) pati ang mga opisyal nitong sina Ross Paul Gorriceta (President), Roland Reginald Gorriceta (Chief Operating Officer) at Rosalia Inid (Finance Officer).

Kabuuang 16M ang hinahabol na buwis ng gobyerno sa nasabing kumpanya.

Ito na ang ika-35 at 36 na kaso na isinampa sa ilalim ng Run After Tax Evaders (RATE) program ng BIR.

Facebook Comments