Kasalang Hayden Kho at Dra. Vicki Belo, gaganapin sa Paris sa Setyembre

Manila, Philippines – Sa hinaba-haba man ng prusisyon sa simbahan din ang tuloy ng celebrity doctors na sina Hayden Kho at Vicki Belo.

Usap-usapan nga ngayon ang nalalapit na kasal ng dalawa sa September na gaganapin sa Paris, France.

Kasunod ito ng text message ng kanilang only child na si scarlet Snow na siya mismong nag-invite sa malalapit na kaibigan ng kanilang pamilya.


Taong 2005 nang maging magkasintahan sina Hayden at Vicki na 25 years ang age gap.

Matatandaang naudlot pa ang kanilang lovestory dahil sa kontrobersyal na sex video scandal ni Hayden noong 2009 pero nagkabalikan din noong 2014.

Si Dr. Vicki Belo ay una nang ikinasal sa NU 107 founder na si Atom Henares na nagbunga ng dalawang anak na sina Quark Henares at Cristalle Belo.
DZXL558

Facebook Comments