Manila, Philippines – Arestado ang dalawang lalaki matapos pagnakawan ang isang pizza parlor sa G. Araneta, Quezon City.
Ayon kay QCPD Station 11 Chief Supt. Christian Dela Cruz, una nilang nahuli sa drug buy bust ang isa sa mga suspek na si Gregor Manzon.
Ikinanta naman aniya ni Manzon ang kasamahan na si Jaybert Llanes na kalaunan ay nahuli rin.
Hindi na nakuha ang P82,000 na ninakaw ng mga suspek pero positibo silang kinilala ng mga empleyado ng pizza parlor.
Bagaman aminadong gumagamit sila ng droga, todo tanggi ang mga suspek na sila ang nanloob sa nasabing establisyimento.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Facebook Comments