Dalawang lalaki, patay matapos pagbabarilin sa magkakahiwalay na lugar sa Mandaluyong City

190

Mandaluyong City – Patay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin sa magkahiwalay na lugar sa Mandaluyong City kahapon.

Dakong alas-3 kahapon nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek si Billy Chan, 37-anyos habang nakatambay ito sa Brgy. Jolo ng naturang lungsod.

Agad na namatay ang biktima dahil sa tama ng bala ng baril sa ulo at sa iba pang bahagi ng katawan.


Dead-on-the-spot din si Aries Domingo alyas ‘Mamoy’ 29-anyos sa Brgy. Poblacion matapos pagbabariling ng riding in tandem.

Ayon sa Mandaluyong City Police Office, kabilang si Domingo sa drug watchlist ng kapulisan.

Sa ngayon ay inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga suspek at kung konektado ba ang magkasunod na insidente ng pamamaril.



Facebook Comments