Dalawang lalaki sa Navotas, hinuli ng mga pulis matapos makuhaan ng shabu

136

Arestado ang dalawang lalaki matapos makuhaan ng iligal na droga sa Barangay San Roque, Navotas City.

Kinilala ang mga ito na sina Jeric Bautista, 26-anyos at Toshi Zasaki, 28-anyos mga residente ng Barangay Tangos South at North Navotas City.


Sa ulat ng Northern Police District (NPD), matagal ng minamanmanan ng mga tauhan ng Navotas PNP ang kilos ng dalawa matapos makapatanggap impormasyong nagsasagawa ng drug transactions ang mga ito.

Narekober sa dalawa ang dalawang sachet na may lamang shabu na may halagang P2,720.

Sa ngayon, nahaharap na ang mga naaresto sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments