Isyung Pangingikil ni Sec. Bello sa mga Employment Agencies, Pinabulaanan ni ILAB Dir. Jun Cruz!

*Cauayan City, Isabela- *Pinabulaanan ni Dr. Jun Cruz, ang Director ng International Labor Affairs Bureua (ILAB) ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga paratang na umanoy may nangyayaring katiwalian sa pamunuan ni DOLE Sec. Silvestre Bello III.

Batay sa naging pahayag ni Director Jun Cruz, Itinanggi nito na kurap si Sec. Bello dahil hindi umano ito nanghihingi ng pera sa mga employment agencies para maaprubahan ang kanilang lisensya bagkus ay marami pa umano itong natulungang mga OFW sa ibang bansa.

Inihayag rin ni Dir. Jun Cruz na hindi umano nila saklaw ang pagsuspinde o pagkansela sa mga ahensya dahil ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) lamang umano ang may karapatang kumontrol sa bawat employment agencies.


Hiniling nanam ni Dir. Jun Cruz ang suporta ng taumbayan na tulungan si Sec. Bello upang mapatunayan na hindi totoo ang alegasyong nangingikil sa mga employment agencies.

Facebook Comments