Dalawang lalaking namaril sa isang barangay hall sa Pasay, tinutugis na

Manila, Philippines – Pinaghahanap na ngayon ang dalawang lalaki na namaril sa loob ng isang barangay hall sa Pasay City.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang pagpasok ng dalawang lalaki sa gate ng hall ng barangay 190.

Umakyat sa ikalawang palapag sa opisina ng kapitan na si Alma Pichay ang dalawa at doon nagsimulang mamaril.


Ayon kay kagawad William Parada – dahil sa pamamaril, nadaplisan ng bala sa tuhod ang isa sa mga tanod na agad isinugod sa ospital.

Narekober ang 14 na basyo ng kalibre-45 baril.

Bukod dito, natukoy din ng mga pulis ang getaway vehicle na ginamit ng mga suspek.

Sa ngayon, tumanggi muna ang mga awtoridad na isapubliko ang pagkakakilanlan ng isa sa mga suspek.

Facebook Comments