Posibleng mapalawig pa ang dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila na magsisimula sa August 6 hanggang 20.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na nakadepende sa magiging sitwasyon sa National Capital Region sa COVID-19 kung palalawigin pa ang dalawang linggong ECQ.
Aniya, magkakaroon sila ng regular na assessment at mahigpit na imomonitor ang sitwasyon.
“Ang atin pong estimations, base sa mga projection po na ginawa ng ating mga eksperto kung gagawa tayo ng four week na ECQ not just two weeks will have cases, active cases by the end of September na mga 19,000 lang kumpara kung gagawa po tayo ng four week na GCQ with heightened restrictions na hindi po tayo ng ECQ, aabot po ang mga kaso ng 510,000.” ani Vergeire
Tiniyak din ni Vergeire na mas pagaganahin nila ang community response para sa prevention, detection, isolation ng COVID-19 sa bansa.