Claveria, Cagayan – Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa PD 705 o Forestry Code of the Philippines ang dalawang magsasaka matapos silbihan ng Search Warrant sa Brgy. Kilkiling, Claveria, Cagayan.
Kinilala ang mga naaresto na sina Isaiah De Ocampo Dalipe, 52 anyos, may asawa at Benjamin De Ocampo Dalipe, 50 anyos, may asawa, kapwa magsasaka at kapwa residente ng nasabing barangay.
Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, nakumpiska ng mga otoridad mula sa pag-iingat ng dalawa ang nasa humigit kumulang limang daang piraso ng iba’t-ibang iligal na kahoy sa bisa ng Search Warrant na ipinalabas ni Hukom Gemma P. Bucayu-Madrid ng RTC Branch 12 Sanchez Mira, Cagayan.
Dinala na sa himpilan ng PNP Claveria ang mga suspek maging ang mga nakumspikang kahoy para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.