Police Senior Supt. Mariano Rodriguez, Itinalaga Bilang Bagong Provincial Director ng Isabela PPO!

276

Cauayan City, Isabela- Hinirang bilang bagong Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office si P/SSupt. Mariano Rodriguez na kapalit ni Acting Provincial Director P/SSupt Romeo T. Mangwag.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni PRO2 Regional Director Police Chief Supt. Mario M. Espino sa RMN Cauayan kaninang umaga.

Ayon kay Regional Director Police Chief Supt. Mario M. Espino, si Police Senior Superintendent Mariano Rodriguez ay isang kwalipikadong Senior Superentendent na may kakayahang mapanatili ang kaayusan ng lalawigan ng Isabela maging ang mga Internal Cleansing Program Activity ng mga Pulis.

Sa ngayon ay madadala si OIC Provincial Director Romeo T. Mangwag sa Regional Headquarters para sa kanyang kaukulang ranggo.

Samantala, kinumpirma rin ni Regional Director Mario M. Espino na mayroon nang mga PNP Personnel sa Tuguegarao City ang na relieve sa kanilang mga posisyon upang magkaroon ng sigla ang kanilang kampanya kontra iligal na droga at para na rin sa kanilang promosyon.

Facebook Comments