Dalawang Menor de Edad, Sinagip mula sa Human Trafficking!

955

Tuguegarao City, Cagayan- Nasagip ang dalawang menor de edad matapos ang isinagawang rescue operations ng mga kapulisan, City Social Welfare and Development at Inter-Agency Council Against Trafficking kaugnay sa isang bahay aliwan na nag ooperate ng iligal na gawain sa Brgy. Balzain East, Tuguegarao City bandang 12:20 kaninang madaling araw.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Tuguegarao City, nagpanggap umano ang dalawang operatiba na customer sa nasabing aliwan at ilang sandali pa ay tinanggap umano ng mga suspek ang ilang marked money na nagresulta sa pagkaresto ng mismong may ari na si Milagros Taguinod at Ninia Lasam, Floor Manager ng nasabing bahay aliwan.


Kinilala din ang ang iba pang mga sangkot sa iligal na gawain na sina Karen Elsa Joy Ramirez, 27 anyos, Princess Magno, 21 anyos at Rosemarie Tanedo, 19 anyos na pawang mga recruiter.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng CSWD ang dalawang menor de edad na sasailalim sa counseling matapos ang insidente.

Sasampahan naman ng kasong paglabag sa RA 9208 o ‘Anti- Trafficking Persons Act of 2003’ ang mga suspek na pansamantalang nasa kustodiya ng kapulisan para sa kaukulang dokumentasyon.

Facebook Comments