Siguradong mahaharap ngayon sa kaukulang kaso ang dalawang miembro ng Philippine National Police (PNP) at isang miembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) matapos maaresto sa magkasanib na pwersa ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)9 sa ikinasang Oplan Double Barrel Reloaded kagabi.
Sa panayam ng RMN-Dipolog kay PSI Charisse Yabo ng Zamboanga del Norte Police Provincial Office (ZNPPO), kinumpirma nito na sina SPO1 Raul Maguinsay, 47 anyos, may-asawa, residente ng Barangay Turno, Dipolog City at isang SPO1 Gilbert James, 46 anyos, may-asawa, residente ng Sergio Osmena ng lalawigan ng Zamboanga del Norte ay parehong aktibong miembro ng PNP na naka-assign sa ZNPPO.
Ayon kay Yabo, on going ngayon ang ginawang imbestigasyon ng Zamboanga del Norte PNP Provincial Command sa pangunguna ni PSSupt. Edwin Buenaventura Wagan para sa gagawing aksyon laban sa dalawa na sangkot sa iligal na droga.
Habang kinumpirma rin sa RMN-Dipolog ni Dipolog City Fire Marshall Elias Baguio III na aktibong miembro rin si Fire Officer 3 Ramil Mosqueda, 48 anyos, binata, residente ng Barangay Sangkol, Dipolog City at naka-assign sa Dipolog City Fire Station.
Ang tatlo ay pareho ngayong nakakulong sa Dipolog City Police Station at nakatakdang sasampahan ng kaukulang kaso.
Dalawang miembro ng PNP at isang miembro ng BFP naaresto sa ikinasang Oplan Double Barrel Reloaded ng Dipolog PNP.
Facebook Comments