Dalawang miyembro ng ASG, sumumuko sa Basilan

Basilan, Philippines – Dalawa iba pang mga miyembro ng grupong Abu Sayyaf ang sumuko kahapon sa militar sa lalawigan ng Basilan.

Ang dalawang sumuko nakilala bilang sina Sarid Nisal , 25 taong gulang at Mohammad Nisal, 23 taong gulang.

Sumuko ang dalawa sa commander ng 4th Special Batallion Company Lt. Col. Andrew Bacala, kasama na ang kanilang mga sandata na isang m16 a1 assault rifle na may attach na m203 grenade launcher, dalawang m1 garand rifle at mga bala.


Ayon kay Bacala, ang dalawang sumuko ay kasamahan ng unang tatlong mga miyembro ng ASG na sumuko kamakailan sa kanila.

Nagpapatuloy ang operasyong militar sa lalawigan ng Basilan laban sa bandidong grupo Abu Sayyaf.
DZXL558, Melanie Guanzon

Facebook Comments