Patay ang dalawang suspek na pinaghihinalaang responsable sa serye ng bukas kotse dito sa Gensan matapos nanlaban sa Philippne National Police o PNP sa isinagawang operasyon alas 11:00 pasado kagabi.
Kinilala ang mga suspek na sina Josefino Emperado at Jan Eric Jaud na parehong residente ng Gensan.
Sa report ng police station 3 nag patrolya umano ang pulisya ng namataan ang suspek na si Emperado na hinahampas ang salamin ng kotse ng isang harold burgos sa may Ventilacion Street, Brgy. Lagao, nang napansin ang presensya ng PNP agad sumakay sa isang kotse na mazda, color blue ang dalawang suspek para tumakas.
Pagdating sa Amado Street, Brgy. Lagao, pinaputukan ng baril ng mga suspek ang humahabol na police kaya nagkaroon ng engkwento na naging dahil nang pagkasawi ng dalawang suspek.
Narekober sa kaniyang posisyon ang isang caliber .45 at .38 revolver.
Ang dalawa ang tinuturong involved sa bukas kotse hindi lang sa gensan pati narin sa koronadal city.