Suspected kidnap-for ransom group member, patay sa encounter sa Militar at PNP

Patay ang isang suspected kidnap for ransom group member habang isang sundalo ang sugatan sa nangyaring encounter sa Barangay Sipakit, Sirawai sa lalawigan ng Zamboanga Del Norte.

Ayon kay Lieutenant Colonel Leon Onggao jr., Army’s 42nd Infantry Battalion Commander, ang engkwentro nangyari mga alas 5 a.m. matapos ang joint team ng sundalo at police ang nagsilbi ng warrants of arrest laban nina Juhuri Wahab Tukalan at Isnain Yacub, miembro umano ng Jamilon Tukalan Group.

Ang grupo ang itinuturong nasa likod ng kidnapping at extortion activities pati ang nangyaring ambush laban sa mga sibilyan sa Sipakit, Sirawai.


Umabot sa halos dalawang oras ang engkwentro kung saan kinilala ang nasawi na si Ato Anto Lumingis, miembro umano ng grupo habang nakatakas naman ang iba pa .

Na-recover ng tropa  ang dalawang ammunition ng Rocket-Propelled Grenade (RPG) launchers, dalawang 12-gauge shotguns, dalawang improvised caliber .22, isang grenade, Magazines at iba’t ibang ammunition, at bandolier at iba’t ibang fatigue uniforms.

Agad naman na ini-airlift patungong zamboanga city hospital ang isang sugatang sundalo ng 42nd infantry battalion.

Facebook Comments