Monday, February 2, 2026

DALAWANG MOTORISTA SUGATAN SA BANGGAAN SA BALUNGAO

Dalawang motorista ang nasugatan sa isang aksidente na naganap bandang alas-2:30 ng hapon noong Pebrero 1, 2026, sa kahabaan ng national highway ng Brgy. San Aurelio 1st, Balungao, Pangasinan.

Batay sa paunang imbestigasyon at sa salaysay ng parehong sangkot, kapwa patungong westbound ang dalawang motorsiklo bago mangyari ang aksidente.

Kapwa hindi lasing ang driver ng dalawang sasakyan nang mangyari ang insidente.

Ayon sa imbestigasyon, pagdating sa lugar ng insidente ay nagtangkang mag-overtake ang ikalawang motor sa kanang bahagi ng kalsada. Sa hindi inaasahang pagkakataon, bumangga ang kanyang motorsiklo sa hulihang bahagi ng unang motorsiklo, dahilan upang kapwa sila matumba.

Dahil sa banggaan, parehong nagtamo ng mga pinsala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ang dalawang motorista. Agad silang dinala ng mga personnel ng Balungao Municipal Police Station sa Umingan Community Hospital sa Brgy. Poblacion, Balungao upang mabigyan ng agarang lunas.

Nagkaroon din ng pinsala ang dalawang motorsiklo, habang patuloy pang tinutukoy ang halaga ng gastos. Matapos ang insidente, ang mga sangkot na sasakyan ay dinala sa Balungao MPS para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments