Dalawang Motorsiklo, Naaksidente Matapos Mahulog sa Daan ang Karga naTubo ng Forward Truck!

Naguillian, Isabela – Naaksidente kagabi ang dalawang motorsiklo matapos mahulog sa daan ang karga na tubo ng Forward Truck sa Provincial Road ng Brgy. San Manuel Naguillian, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Garry Macadangdang, hepe ng Naguillian Police Station, aniya ang drayber ng truck ay kinilalang si Romeo Aquino, tatlumpu’t pitong taong gulang, at residente ng Sto. Domingo, Echague, Isabela.

Sinabi pa ni PSI Macadangdang na ang drayber ng unang motorsiklo ay si Gil Pascua, limampu’t dalawang taong gulang at ang drayber naman ng Suzuki Raider ay si Arthur Pascua, apatnapu’t isang taong gulang, isang foreman, kasama ang angkas nito na si Jay-Ar Sadaran, dalawampu’t pitong taong gulang, construction worker at pawang mga residente ng Brgy. Villapaz, Naguillian, Isabela.


Iginiit pa ni Police Inspector Macadangdang na nagtamo umano ng matinding sugat sa katawan ang mga biktima kung saan ay kaagad namang dinala sa pinakamalapit na pagamutan para sa kanilang karampatang lunas.

Ayon pa sa hepe, maaring lumuwag umuno ang pagkakatali ng mga tubo sa truck kung kaya’t nahulog ito sa daan na hindi naman kaagad napansin ng dalawang sumusunod na motorsiklo.

Samantala nakatakda ngayong araw ang pag-uusap ng magkabilang panig at umaasa si PSI Macadangdang na maayos ito dahil sa hindi naman umano ang pagkakahulog ng mga tubo sa daan.

Facebook Comments