Cauayan City, Isabela- Dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang kusa nanamang sumuko sa mga otoridad sa bayan ng Sto. Niño sa Lalawigan ng Cagayan.
Nakilala ang dalawang nagbalik-loob na sina Aka Lito, 57 anyos at si Aka Benjo, 60 taong gulang, parehong residente ng Brgy. Lipatan Sto. Niño, Cagayan.
Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ng Sto. Niño, Police Station ang dalawang rebelde sa pamamagitan ng pagsisikap ng Pulis Sa Barangay (PSB) na pinangunahan ng Acting Chief of Police na si PLt. Joel B Guban katuwang ang 1st Provincial Mobile Force Company, 202nd Regional Mobile Force Batallion at RIU2 IG PIT at ang Barangay Kapitan ng Lipatan na si Andres Sansano Jr.
Nabatid na si Aka Lito ay na-rekrut noong 2004 sa ilalim ni alyas Simoy, ang finance officer ng Lagum Farmers Association at Ganap na Samahang Masa 2016 habang si Benjoe ay na-rekrut noong 1980’s sa ilalim ni @Baylon at @Lanlan na gumanap bilang pinuno ng Defense, Sitio Lagum, Brgy Lipatan Sto.Niño, Cagayan.
Patuloy naman ang pagsasagawa ng Sto. Niño, Police Station sa mga PNP Lingkod Bayanihan Project bilang pagsuporta sa EO 70 / NTF-ELCAC ng gobyerno upang hikayatin ang iba pang mga miyembro ng CPP-NPA na sumuko.