Dalawang opisyal ng MRT-3, nagpositibo sa COVID-19 ayon kay DOTr Sec. Tugade

Photo Courtesy: DOTr MRT-3 Facebook Page

Kinumpirma ni Transportation Secretary Arthur Tugade na may dalawang matataas na opisyal ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ay nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Tugade, kasalukuyang nasa Intensive Care Unit (ICU) sa isang ospital si MRT-3 General Manager Rodolfo Garcia bunsod ng naturang sakit.

Kasalukuyan namang nagpapagaling na aniya si MRT-3 Director Michael Capati matapos tamaan ng COVID-19.


Iginiit ni Tugade na hindi pa muna magpapatupad ng suspensyon sa operasyon ng MRT-3 dahil hindi naman apektado ang mga personnel sa mga estasyon ng tren.

Pero tiniyak naman ni Tugade na patuloy na imo-monitor ang sitwasyon sa MRT-3 kaugnay sa bagong kaso ng COVID-19 na kanilang naitala.

Matatandaan noong nakaraang taon, sinuspende ang operasyon ng MRT-3 bunsod ng pagdami ng kaso ng COVID-19 kung saan karamihan na tinamaan ay mga personnel ng MRT stations.

Facebook Comments