DALAWANG PAMBATO NG PANGASINAN SA MISS GRAND INTERNATIONAL PHILIPPINES, ATING KILALANIN

Umani ng sandamakmak na facebook reaction ang dalawang pambato ng Pangasinan sa Miss Grand International Philippines habang suot suot ang kanilang dazzling swimwear na mas nagpainit sa national stage.
Dalawang pambato na nabanggit ay sina Faith Heterick na representante mula sa Urdaneta City at Rona Lalaine Lopez naman bilang kinatawan ng Probinsya ng Pangasinan.
Hindi lamang angking kagandahan ang kayang ipamalas ng dalawang pambato sapagkat bitbit nila ang kanilang adbokasiya para sa kanilang komunidad, maging ang kanilang talas ng isip at talento sa pagpapakita ng kakayahan ng isang Pangasinense.

Kaya naman sa dalawang pambato natin, ipakita niyo ang ganda at galing ng Pangasinan sa Miss Grand International Philippines. |ifmnews
Facebook Comments