MAG ASAWA SA URBIZTONDO PINAGBABARIL, GINANG PATAY MISTER KRITIKAL

Patay ang Isang ginang habang kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang mister nito matapos silang pagbabarilin sa bayan ng Urbiztondo.
Ang mga biktima ay nakilalang mag asawang sina Porferio at Teresita Monsad residente ng Brgy. Real sa nasabing bayan.
Lumalabas sa imbestigasyon na lulan ng tricycle ang mag asawa pasado alas Otso ng Gabi sa Brgy. Malaca nang paulanan sila ng bala ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek.

Bunsod nito ay nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na agad namang naisugod sa pagamutan subalit idineklarang Dead on Arrival ang ginang habang kritikal naman si Porferio.
Sa pakikipag ugnayan ng IFM Dagupan sa PNP, nag aagaw buhay pa rin si Porferio sa pagamutan habang inaalam pa ang posibleng motibo sa pamamaril maging pagkakakilanlan ng mga suspek. |ifmnews
Facebook Comments