Ph Malditas, pasok na sa AFC Women’s Asia Cup

31

Pasok na ang Philippine national women’s football team na Malditas sa 2022 Asian Football Confederation Women’s Asia Cup.

Ito ay matapos talunin ng Malditas ang Hong Kong sa ginanap na qualifiers sa Jar Stadium in Tashkent, Uzbekistan sa score na 2-1.


Unang umiskor si Tahnai Annis sa unang 17 minuto ng laro habang si Chandler McDaniel ang nagbigay ng ikalawang iskor sa ika-88 minuto ng laro.

Dahil dito, nakatakdang lumipad ang grupo sa India para sa kanilang susunod na laban.

Facebook Comments