Manila, Philippines – Dalawang police officials na may ranggong police supt ang sisibakin sa serbisyo ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa.
Ito ang inihayag ng PNP Chief sa isinagawang prescon dito sa Camp Crame batay na rin sa naging rekomendasyon ng PNP Internal Affairs Service.
Aniya ang mga police officials na ito ay sina Supt Ma. Christina Nobleza na may mga kasong illegal possession of firearms, harboring a criminal, at conspiracy to commit terrorism.
Ito matapos na mapagalamang ni-rescue nito ang isang miyembro ng ASG matapos sumalakay sa Bohol kamakailan.
Kabilang pa sa sisibakin si Supt Lito Cabamongan na may kasong may kinalaman sa iligal na droga matapos na maaktuhang nagpa-pot session.
Ang dalawang police officials ay kasama sa 84 na pulis na nakatakdang sibakin sa serbisyo ni pnp chief dahil sa ibat ibang kaso na karamihan ay may kinalaman sa iligal na droga.