Dalawang probinsya sa China, niyanig ng magkasunod na lindol

215

Dalawang probinsya sa China ang niyanig ng magkasunod na lindol.

Tinamaan ng 6.1 magnitude na lindol ang southwestern province na Yunnan bandang 9:48 kagabi kung saan naitala ang episentro sa lungsod ng Dali at may lawak na sampung kilometro.


Tinataya namang dalawang tao ang nasawi sa lindol habang may 38 na indibidwal ang nasugatan.

Niyanig naman ng magnitude 7.4 ang Qinghai Province kaninang umaga kung saan ang episentro ay sa 523 kilometro ng kanluran timog kanluran ng Lanzhou.

Wala namang naitalang nasawi sa lindol.

Facebook Comments