Magkasintahan, Kritikal sa Pagbangga ng Motorsiklo sa Poste ng Kuryente

164

Cauayan City, Isabela-Kritikal ang magkasintahan matapos bumangga ang minamaneho nilang motorsiklo sa poste ng kuryente sa Brgy. Mabini, Santiago City.

Batay sa imbestigasyon ng Santiago City Police Office (SCPO) Traffic Enforcement Unit, kinilala ang mga biktima na sina Marino Visaya, 27-anyos, isang laborer at Angela Miguel, 15-anyos na kapwa residente sa naturang lungsod.


Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga otoridad, nawalan ng kontrol sa manibela si Visaya kaya sumalpok sa poste ang kanilang motorsiklo at tumilapon.

Dahil sa insidente, nagtamo ng matinding sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima dahilan para mawalan ng malay.

Patuloy naman na inoobserbahan sa pagamutan ang dalawa matapos ang aksidente.

Paalala ng pulisya na tiyaking nasa kondisyon ang anumang uri ng sasakyan at magdahan-dahan sa pagmamaneho para makaiwas sa posibleng aksidente.



Facebook Comments