Patay ang dalawang pulis habang sugatan ang dalawa pa matapos ang nangyaring sunog sa Logistics Support Service Compound sa loob ng Camp Crame na inookupahan ng mga tauhan ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF).
Sa ulat na ipinadala kay PNP Chief General Debold Sinas, nagsimula ang sunog alas-2:30 ng madaling araw kanina at alas-3:06 ng madaling araw nang ideklarang fire-out.
Kinilala ang dalawang nasawing pulis na sina PMSgt. Amado Ormillon Jr., nakatalaga sa Base Fire Section, ng PNP Headquarters Support Service, at PSSgt. Nichol Jamosjos, miyembro ng PNP- SAF.
Nakaligtas naman sa sunog sina PCapt. Victorioso Yulde na miyembro rin ng PNP- SAF at PSSgt. Jesus Apil.
Naisugod agad sila sa PNP General Hospital pero idineklarang dead on arrival sina Ormillon at Jamosjos.