Dalawang pusa ng mag-asawa sa Amerika, kapwa world record holder

63

Amerika – Kakaibang hashtag relationship goals ang nakuha ng mag-asawa sa Michigan, USA.

Ito ay dahil parehong Guiness Book of World Record holder ang kanilang dalawang pusa.

Kinilalang pinakamahabang buntot ang taglay ng kanilang silver maine coon cat na si ‘Cygnus Regulus Powers’ na may habang 44.66 cm (17.58 inches).

Hindi naman nagpatalo ang kanyang kapatid na si ‘Arcturus Powers’ na kinilalang pinakamatangkad na pusa sa buong mundo.

Proud naman ang mag-asawang Powers dahil sa kanilang mga cat babies na dinadagsa na ngayon ng mga bisita mula sa iba’t ibang lugar.

Facebook Comments