Tumanggap ng prosthesis o artipisyal na binti ang dalawang Persons with Disability (PWD), sa bayan ng Bayambang.
Pinangunahan ito ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Persons with Disability Affairs Office (PDAO) Bayambang, sa tulong ng Kapampangan Development Foundation Inc.
Ang mga benepisyaryo ay sina Mar Laza mula sa Barangay Darawey at Isagani de Veyra na mula naman sa Barangay Sancagulis.
Ang kanilang bagong prosthesis ay magbibigay sa kanila ng mas maraming pagkakataon at kakayahan upang magpatuloy sa kanilang mga pang-araw-araw na gawain.
Samantala, labis naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa kanilang natanggap na bagong prosthesis na magpapabuti sa kalidad ng kanilang buhay at magpatuloy sa kanilang mga pangarap at layunin. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









