Dalawang quarantine facility sa QC, tambak na ng mga confirmed at suspected COVID-19 patient

Tambak na sa COVID-19 positive gayundin ng mga suspected patient ang HOPE 1 quarantine facility sa Quezon City dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng confirmed cases na pumalo na sa 4,421 hanggang kahapon, July, 12, 2020.

Nadagdagan pa ng 110 cases ang validated cases para sa kabuuang 4,204 at 1,642 ang active cases.

Okupado rin ang lahat ng kama ng HOPE 2 facility ng mga confirmed at suspected COVID-19 patient na sumailalim sa community-based testing at ginagamit ang pasilidad para sa self-isolation habang naghihintay ng kanilang resulta.


Habang ang Hope 3 facility na para lamang sa mga nursing mothers at kanilang anak na nagpositibo at may sintomas ng virus ay may 14 pang bakanteng higaan, cribs at iba pang baby essentials mula sa kabuuang 84 na kama.

Base sa huling datos ng Quezon City Health Department, nasa 257 na ang mga namatay sa lungsod matapos madagdagan pa ng isang kaso.

Facebook Comments