Dalawang sa tatlong hinihinalaang mga miyembro ng ‘bukas-kotse gang’ na pawang mga extortionist, arestado sa Pasig City

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Pasig City Police Station ang dalawa sa tatlong mga hinihinalaang mga miyembro ng bukas-kotse gang at pawang mga extortionist ang naaaresto sa isinagawang entrapment operation sa isang restaurant sa, IPI, Brgy. Ugong, Pasig City.

Kinilala ang mga suspek na sina Engelbert Rollenas, 22 anyos, residente ng no. 2554 Kaligayahan St., Manggahan, Pasig City; Jayson Bobis, 41 anyos, residente ng no. 597 Magsaysay St., Manggahan, Pasig City at ang nakatakas na si Romelito Fernandez, 23 anyos, delivery rider, residente ng Karangalan, Manggahan, Pasig City.

Habang ang biktima ay nakilalang si Christopher Jayson Bacani, 41 anyos, salesman na residente ng Greenpark Village sa Brgy. Manggahan, Pasig City.


Ayon kay PLt. Julio Valle Jr., nagsagawang entrapment operation ang mga otoridad makaraang dumalog sa kanilang tanggapan si Bacani dahil sa kasong pangongotong.

Napag-alaman na nawala ang laptop at cellphone ng biktima sa Cainta, Rizal dahil sa nabiktima ng basag-kotse gang kung saan tumawag ang mga suspek na ibabalik nila ang laptop kapalit ang halagang ₱12,000.

Tumawag ang mga suspek sa biktima na magkikita sila sa isang fast food chain sa Barangay Rosario, Pasig City pero natunugan ng mga suspek ang presensya ng mga pulis kaya’t lumipat sila sa isang restaurant sa Barangay Ugong, Pasig City at doon na isinagawa ang entrapment operation at nang iaabot na ang ₱12,000 na mayroong ultraviolet fluorescent powder ay agad kumilos ang mga pulis at inaresto ang dalawang suspek habang nakatakas naman ang kasamahan nila na si Fernandez.

Facebook Comments