Cauayan, Isabela – Malungkot na sinalubong ng tropa ng 5th Infantry Division Philippine Army at ng mga malapit na kaanak ang labi ng dalawang sundalo na namatay sa naganap na kalunos lunos na pagpapasabog sa simbahan sa Jolo, sulu.
Pinangunahan ni MGen Perfecto Rimando Jr., Commanding General 5th Infantry Division Philippine Army ang pagsalubong sa pamamagitan ng arrival honors sa labi ng dalawang sundalong namatay na sina Sgt Mark Des P Simbre at Cpl John B Mangawit.
Ang dalawang sundalo ay kasapi ng 41st IB na nakadestino sa Sulu ay tubong Isabela at Kalinga.
Naging madamdamin ang pagsalubong na sinalubong ng iyak at hagulgol mula sa mga malapit na kaanak ng dalawang sundalo.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Ginang Rosemarie Simbre ay kanyang sinabi na sana ay di na maulit ang ganung uri ng karahasan.
Idineretso kaagad sa kampo ng 5th ID sa Camp Melchor F dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela na kalaunan ay iuuwi din sa kani-kanilang tahanan dito sa Isabela at Kalinga.
Nagpahayag din ng kalungkutan at pakikiramay si MGen Rimando sa sinapit ng dalawang sundalo sa Jolo, Sulu.
Magugunitang ang nangyaring pagpapasabog sa Jolo cathedral noong Enero 27, 2019 ay nagresulta ssa pagkamatay ng 27 katao at pagkasugat ng mahigit isang daan pa.