Dalawang sunog, sumiklab sa magkahiwalay na lugar sa Maynila

Manila, Philippines – Dalawang sunog ang sumiklab sa magkahiwalay na lugar sa lungsod ng Maynila.

Unang sunog ay naganap sa Road 10, Bitas, Tondo kung saan umabot sa ikalimang alarma ang sunog.

Aabot sa 500 pamilya ang nawalan ng tirahan habang nasa tatlong milyong pisong halaga ari-arian ang naabo.


Kasabay nito, tinupok naman ang mga kabahayan sa Adriatico Street sa Malate kung saan nasawi ang isang mag-ama.

Umabot sa Task Force Alpha ang alarma ng sunog.

Patuloy na inaalam ang naging sanhi ng dalawang sunog.

Facebook Comments