Ina ng pamilyang naipit sa kotseng nabagsakan ng cement mixer sa Quezon City, nananawagan ng hustisya

Quezon City – Nanawagan ng hustisya ang ina ng pamilyang naipit sa kotseng nabagsakan ng cement mixer sa Mindanao Avenue, Quezon City.

Ikinuwento ni Marife Ramos ang mga nangyari sa huling sandali ng kanyang asawa na si Ulysses Ramos.

Ang kanyang asawa ang nagda-drive habang katabi nito ang panganay nilang anak.


Sa likod ng mister umupo si Marife at katabi naman niya ang dalawang mas maliliit na bata.

Salaysay pa ni Marife, nag-iyakan ang kanyang mga anak at wala na siyang magawa noong mga panahong iyon kundi ang magdasal.

Tumagal ng dalawang oras bago sila nahatak sa sasakyan.

Ligtas ang mag-iina pero kalaunan ay binawiaan na ng buhay si Ulysses.

Nanatili naman nasa kustodiya ng Quezon City Police District (QCPD) traffic sector ang driver ng cement mixer na si Jason Moleta na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries.

Nakatakdang ilibing ang padre de pamilya bukas.

Facebook Comments