Manila, Philippines – Nagpapatuloy ang pagtugis ng pulisya sa dalawang suspek sa pamamaril sa isang lalaki sa Taguig City.
Nakilala ang biktima na si James Mark Jacinto, residente ng Lot 47, Brgy. Upper Bicutan habang mga suspek ay kinilala sina Rusty Jarovilla at isang alyas Pepoy.
Naglalakad si Jacinto sa Raja Sumakwel St., Lot 52, Purok 2 nang lapitan ng dalawang suspek saka ito pinagbabaril bago nagsitakas.
Sa imbestigasyon nina PO3 Randolf Dalugdog at SPO1 Allan Onteling, lumalabas na kilalang akyat-bahay si Jacinto at nasa listahan din ng barangay bilang tulak ng iligal na droga.
Facebook Comments